Archive for December 1st, 2011

Breakup with KC puts Piolo’s sexuality in question

Sa gitna ng mga pagkutya at katatawanan sa Internet sa isyu ng hiwalayang KC-Piolo, inakala ng ibang tagamasid na ikakasira ito ni Piolo Pascual, lalo pa’t nahaluan ito ng maselang isyu ng sexual orientation.

Pero, bumubuhos ang suporta ng iba’t ibang sektor para sa ‘ultimate heartthrob.’

Walang paghuhusga sa pagkatao ni PJ ang bading group na Wonder Gays.

Giit nila, mahirap talaga ang pressure sa aktor para patunayan ang kanyang sarili kay KC at sa kanyang pamilya.

Naniniwala rin ang mga taga-akademiya na hindi masisira si Piolo sa isyu dahil sa malawak na ang pananaw ng publiko ngayon.

Ani Rene Durian, isang propesor sa De La Salle College of St. Benilde, “Nakilala naman siya bilang isang mahusay na artista, hindi naman natin hinahangaan ang isang talentadong tao dahil sa kanyang kasarian. Bottomline, talent will survive. Hindi niya kasalanan kung mahalin siya ng 100 porsyento ng tao at hindi niya ito maibalik.”

Positibo rin ang pagsuri mula sa hanay ng mga direktor.

Pahayag ni Jun Lana, “Beterano na ‘yan eh. Ang dami nang kontrobersiya na binato sa kanya, pero nandiyan pa rin siya, nakatayo pa rin siya. Many people said that he’s a good man, he’s a good person.”

Sabi naman ni Joey Reyes, “By sheer power of his talent and his determination, he will survive this.”

Ayon naman sa beteranang producer na si Lily Monteverde, wala siyang pinapanigan kina KC at Piolo.

Aniya, malakas pa rin daw ang hatak ni PJ sa senior citizens.

“I’m for Piolo,” sabi pa ni Mother Lily.

Sa barometro ng mga kababaihan sa showbiz, tulad ni Venus Raj na magde-debut na sa pelikula, si Piolo pa rin ang top choice bilang leading man.

Giit niya, “Definitely. I’m looking forward to that.”

Likas na kontrobersyal man, sa bandang huli ay titimbangin si Piolo sa kanyang kabutihan bilang tao at propesyunal.

Aabangan din si Piolo sa 2012 sa bago niyang TV series na “Padre de Pamilya.”🙄

Advertisements

Always remember: Life is for enjoying. Abraham Lincoln